Friday, May 21, 2010

Magkita na kasi tayo...

ang sarap sana ng tulog ko
ngunit sa aking paggising
narinig ko ang kanyang boses
nagagalak na ako'y nakausap

parang boses nya'y
isang pananabik para sa aking tenga
isang kagalakan ng aking puso
isang pagbuo muli sa aking kaibuturan

hinahagkan niya ako kanina
wari'y nasa tabi niya ako
ngunit isang pagkukunwari
sa kalayuang di magiging malapit

napanaginipan ko siya
na yakap yakap niya akong mahigpit
na wari'y isang tunay na kaganapan
sana di ko na lamang naimulat aking mga mata

hay, nakalulungkot pa rin
nag-iwan siya ng mensahe
nakit daw di ko siya hinahalikan pabalik
hindi ko kasi kaya pa ang pait

gusto ko na kasi siyang puntahan
gusto rin niya na puntahan ako
oras lang talaga ang pumipigil
konting linggo na lang aking hihintayin.




No comments:

Post a Comment