Monday, May 24, 2010

After the culminating activity of our summer workshop, kalligrafia

" ate mich 10 am bukas sa computer lab ha,"
ito ang mga salitang madalas n'yang binabanggit.

Siya ang tipo ng taong madaling makisama,
napakabait pero wag nyong susubukan
ang kanyang pasensya dahil
kung anong ikinabuti niya
siya ring ikina"taray" niya.

Hindi naging hadlang sa kanya
ang pagkakaroon ng titulong "guro"
para makibagay at makisama
sa kanyang estudyante.
Siya yung taong mappamahal
at tatatak talaga sa puso mo.

Madalas tanaw nyo na agad siya sa malayo
dahil sa kanyang puting salamin,
malalaking hikaw at kulot na buhok.
Siya ang aking guro na si Ms. Veran.

Kahit sa panahong iniisip namin
na wala na kaming pag-asa
andyan sya, patuloy kaming pinpursige.
Naniniwala siya sa aming mga kakayahan.

Kahit madalas kaming magkamali
hindi siya nagsasawang tulungan at pakinggan kami.
Ma'am maraming salamat po sa lahat.
You made my summer unforgettable.


i love you ma'am! :-D




sms message from Michelle Deceda

1 comment: