Tuesday, May 18, 2010

Ako ba ito?

hindi pa rin maka-get over

sa panahong tayo'y magkasama

hay ewan ba

maikling panahong lamang

naman tayo'y nagdaupang palad

hay

buwiset...

sensya hindi ako galit

ngunit sa iyong pagdating

ako'y namulat

na hindi sapat

ang aking nalalaman

ewan ba

ganun lamang palang

kaunti ang butong

itinanim sa akin ng

aking mga guro

kulang pa

hay..

gusto ko tuloy

magwala

lumabas

masaksihan

ang mundo

na

maganda

mapait

magulo

marahas

ewan

gusto ko tuloy

mag-risk

sa lahat lahat


tigil muna


ako ba ito

o dahil

nagugustuhan lang

ang idea


marahil

ewan

basta

alam kong

madami pa

akong malalaman

sa darating

na panahon

kailangan lang

imulat

ang mga mata

at laksan

ang pandinig

kelangan sumaksi


kailangan

kong kayanin

ang lahat lahat



sana nga..

No comments:

Post a Comment