Monday, September 13, 2010

may magnanakaw sa tabi ko

Ano gagawin mo kapag may snatcher sa tabi mo?
a. deadma
b. sisigaw
c. isumbong sa driver
d. sakalin ang snatcher

Ako? Simple lang. Kinublit ko, sabay sabing "Miss, pede k namang umipod kasi malaki pa ang space para makaupo ang bata"

Sumisiksik kasi sya dun sa babae malapit sa driver. Ang babae ay may dala syang malaking bag, pinamili mula sa SM at may kasamang bata. Ang mandurukot eh may dalang jacket at maliit na bag.

Lumingon sya sa akin (ang mandurukot), napanganga..actually, mukha syang may sira sa pag-iisip. Nangilabot at nanlambot ako hanggang paa..Napansin na rin ng ibang pasahero..Tinitigan lang nila..Bumaba na ako sa jeep kasi nasa cathedral na..Gayundin ang babaeng madudukutan...

Nagtataka kasi ako bakit masyadong sumisiksik ung ale sa babae..natakot nga ako akala ko eh tinutukan na ng kutsilyo..kaya chineck ko ng mabuti..buti na lang binubuksan pa lang ung zipper..

kakapangilabot..

Pagkabili ko ng kandilang pantirik, nakita ko ulit ung babaeng madudukutan..sabi ko "Miss may nakuha ba sa 'yo? Kasi kaya tinawag ko pansin mo eh sumisiksik sa'yo at kita kong dudukutan ka." Ramdam na pala nya kaya lang nga eh nagtataka sya na bukas ang kanyang bag. Malalim naman daw bag nya..Ang nakapagpahupa sa akin ay ang salitang "salamat" mula sa bibig nya..

Kaya un pumasok na ako sa simbahan upang sumimba..Linggo noon..

1 comment:

  1. Yan din siguro yung nangsisiksik dun sa kasakay ko. Inaway nung mama kaya bumaba. Dapat dun pinapakulong.

    ReplyDelete