Monday, August 16, 2010

Kelan ka kaya magkaka-Palanca?

Ito'y itanong ng aking tatay sa akin nung ibinalita ko na si Makoy eh nanalo ng Palanca para sa kanyang koleksyon ng tula na Engkantado..

isang hampas at sampal na magkasabay..

Sinagot ko na lamang, pano ako tatay magkakaron eh di naman ako nag-submit ng aking mga tula..

isang kirot ang tunay na naramdaman kasi alam kong mataas at malaki pa rin ang pangarap at nais ng aking tatay mula sa akin..

binigo ko sya na ako'y maging isang:
- doktor
- nars
- accountant
- makapunta sa ibang bansa at makapagtrabaho...

ngunit di ko sya bibiguin na maging malinis at hindi maging buntis bago ako ikasal..

yun na lamang ang mapanghahawakan ko..

pangakong di mapapako..

No comments:

Post a Comment