Sa Loob ng Silid-Aralan
Isinulat ni: Nicole Vlamfort
Katatapos lamang
ng aking lesson sa araw na ito…
Umupo ako sumandali
At pinagmasdan ang aking
Estudyante
Ang silid-aralan
Ang paaralan.
Kaya ko pa bang
Magtagal dito?
Sapat pa ba ang aking sahod?
Sasapat ba?
Sa pambayad para sa mga
Pang-araw-araw na gastusin
Sa gamot ng aking ama na
May prostate
Sa pag-papaaral ng mga
Kapatid ko sa kolehiyo
Sa pag-iipon ko para sa
Aking kasal sa kasunod na taon
Sasapat ba?
Stressed ako.
Ang dami ng che-checkan na papel
Ang daming paper works.
Ang daming kumpetisyon na
Kailangang panaluhin.
Ngunit sapat ba ang
Natatamasa na benepisyo?
Buti pa sa ibang bansa…
Nakapagpatayo na ang aking co-teacher
Ng bagong bahay
At may negosyo pa para
Sa kanyang magulang
At kanyang mga kapatid.
Maalwan na kanilang pamumuhay
Mula sa isang-kahig isang tukang
Pang-araw-araw na buhay.
Hay,
Hindi ko naman sila maiwan
Sino na ang magtuturo sa kanila?
Kung walang magtitiyagang magturo
Dito sa sariling bayan?
Sino na?
Ano pa ang mahihita ng mga
Mangmang at mga
musmos?
Kung susumahin
Kulang ang silid-aralan
Kulang ang mga libro
Kulang din ang mga guro.
Paano na aangat
Ang kalagayan ng ating
Bayang naghihikahos?
Kaya pa ba?
May pag-asa pa ba?
May magagawa ba ang
Pangulong bagong luklok?
Sana.
Sana
May magawa siyang
Aksyong
Kapani-paniwala
At hindi
Panandalian lamang,
Psst submit mo yan sa Alab pang-school yata ang tema nila ngayon. :)
ReplyDeleteah yup humingi n ng pahintulot si Kelvin sa kin na isasama dw nila tula ko..:)
ReplyDelete