dumating pa si tatay. di makapag-type ng nais sabihin. pampasira ng moment. ano ba 'yun. abala. wala naman ako magagawa kasi nagshe-share ng hinaing. pero nakakapagod na rin kasi. paulit-ulit. sawang-sawa. istorbo. hindi ko naman pedeng sabihin. kc tatay ko siya. wala na si nanay. hay ano ba ulit ito. nakakasakit ng puso at ng isip.
hayan nakatingin ulit sa harap ng computer. bukas, Neil Gaiman sa akin ka na! pero dami ko pang nabiling libro nung nakalipas na hindi ko pa mabasa. di ko na alam kung ano ang uunahin.
gusto ko pang magbakasyon. pero in fairness masaya din ako kahit malungkot. kasi sa tuwing umaga na gigising ako. may magtetext sa akin. nagtatanong, mam, san tau ngaun. at least may nakaalala. someone is needing din pala.
pero isa lang ngayon ang need ko. isa lang. siya lang. pero hindi nya alam lahat ito. ayaw niya kasi sa social networking. di nya rin alam na nagba-blog ako. nung isang araw lang. ang dami pala niyang di alam din sa akin. misteryoso din pala ako.
hay tama na nga. emo na naman ako ng ganitong mode.
basta mahal ko siya.
at alam kong mahal pa rin niya ako. busy lang siya sa work.
No comments:
Post a Comment