Thursday, November 4, 2010
Movie Marathon
Christmas is near
Binuksan na ang mga Christmas lights sa tatlong malalaking kalsada ng Makati; sa Ayala Ave., sa Makati Ave. at sa Paseo de Roxas.
Ito ang tatlong mga kalsada na lagi kong nadaraanan noong nasa Maynila pa ako. Nakakamiss din. Masaya kasi ang pakiramdam ko kapag naandun ako. hindi ko alam pero yung adrenaline ko ang bilis. Para laging may aksyon.
Parang nabubuhayan ako sa ingay ng Lrt/MRT, ang busina ng taxi o bus, ang boses ng mga tao nagmamadali. Hay.
Pero kahapon, binuhay ko ulit ang account ko sa jobstreet. Nagbabasakali ako na maghanap ng trabaho. Mayroong mga clerical positions na available pero sa Taguig, Libis. kelangan ko sa may Quezon City area lang para hindi ako mahihirapan sa pagcomute. Nag-iisip tuloy ako kung itutuloy ko ba talaga ang propesyon ko bilang isang guro. Trainor siguro pede pa pero napapagod ako masyado para maging guro. Gusto kong magpahinga. Hay.
Naisip ko ding mag-business kaya naisip kong tanungin si Gino kung may balak ba si Amen a magbukas ng bakeshop kasi may available resources ako at interested din ako. Pero for the mean time gusto ko muna maghanap ng trabaho para may maibigay din ako para sa pamilya ko. Dream ko din kaya magkaron ng bakeshop parang Pan de Manila ang style. Mala-coffee shop din. Kahit hindi siya maging super successful, eh maging kilala sya sa magiging market namin at masustain ang income. Sana magkatotoo ito. Gusto ko talaga.
Anyway, bago ako mag-isip ng kung anu-ano ay kailangan ko munang tapusin ang paggawa ko ng grades at siguro tapusin na rin this month until next month ang workbook ko. Cheer up, Skye!